TATLONG PAGKILALA PARA SA PUERTO PRINCESA!

Isang karangalan para sa ating lungsod ang makamit ang tatlong parangal sa 2026 SubayBAYANI Awards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kinilala ang Puerto Princesa bilang Outstanding City LGU Performer, tumanggap ng Best MSC Community-Oriented Narrative Award, at itinanghal na BEACON of Excellence: 2026 MIMAROPA SubayBAYANI Regional Exemplar.

Binabati at pinasasalamatan ko ang ating mga opisyal at kawani na patuloy na nagsisikap upang matiyak ang maayos na pagpapatupad at pagsubaybay sa mga proyekto ng lungsod. Ang mga pagkilalang ito ay tagumpay ng buong Pamahalaang Panlungsod at ng ating mga katuwang sa komunidad.

Patuloy nating titiyakin na ang bawat proyekto ng lungsod ay naipatutupad nang maayos at naghahatid ng tunay na pakinabang sa ating mga mamamayan.

Salamat sa DILG sa pagkilala at patuloy na paggabay. Ang mga parangal na ito ay inspirasyon upang lalo pa nating pagbutihin ang ating paglilingkod para sa bawat Puerto Princesan.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts