ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€, πŠπˆππˆπ‹π€π‹π€ 𝐍𝐆 πƒπ„ππ€π‘π“πŒπ„ππ“ πŽπ… 𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓 𝐀𝐍𝐃 πŒπ€ππ€π†π„πŒπ„ππ“ (πƒππŒ) πŒπˆπŒπ€π‘πŽππ€ πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 πŒπ€π€π†π€ππ† ππ€π†π’π”π’π”πŒπˆπ“π„ 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† π…πˆππ€ππ‚πˆπ€π‹ π‘π„ππŽπ‘π“π’

𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲𝐏𝐚𝐧𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 || 𝐏𝐋𝐀𝐒𝐓𝐈𝐂 𝐖𝐀𝐒𝐓𝐄𝐒, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐓𝐔𝐓𝐔𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐑𝐂𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐄𝐂𝐎𝐍𝐎𝐌𝐘 𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀

𝐀𝐦𝐢𝐞 𝐁𝐨𝐧𝐚𝐥𝐞𝐬, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Mas pinaigting ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang mga hakbang laban sa lumalalang problema sa plastic wastes sa pamamagitan ng pagpaplano at pagpapalakas ng Circular Economy initiatives sa lungsod. Lumahok ang 35 kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, mga kasapi ng Local Circular Economy Action Team, mga empleyado ng Project Zaccheus–Eco-Kolek, at kinatawan ng panlalawigang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Extended Producer Responsibility (EPR) Action Planning Workshop na isinagawa ng United Nations Development Programme (UNDP) noong Marso 5–6, 2026 sa Conference Room 2 ng New City Hall. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang implementasyon ng Green Circular Economy Project sa lungsod at makabuo ng Local EPR Capacity Building at Action Plan upang mas mapahusay ang pamamahala ng plastic wastes at iba pang recyclable materials. Sa unang araw ng workshop, tinalakay ang kasalukuyang antas ng kamalayan ng mga residente hinggil sa waste segregation, partikular sa paghihiwalay ng mga recyclable materials tulad ng plastic.

Ayon sa City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), may kaalaman ang maraming residente tungkol sa tamang paghihiwalay ng basura ngunit hindi pa ito lubusang naisasagawa. Ibinahagi naman ng Eco-Kolek na may tatlong purok sa Barangay Sicsican na nagsisilbing pilot areas ng kanilang inisyatibong waste segregation. Positibo umano ang naging pagtanggap ng mga residente sa nasabing mga lugar at aktibo na nilang isinasagawa ang paghihiwalay ng basura sa kanilang komunidad. Sa ikalawang araw ng workshop, bumalangkas ang mga kalahok ng mga hakbang upang mas mapabuti ang waste management system ng lungsod. Layunin din nitong mapataas pa ang performance rating ng lungsod sa waste management mula sa naunang marka na 2.00 na umangat sa 2.4 sa pinakahuling pagtatasa. Kabilang sa mga iminungkahing hakbang ang paghihigpit sa paggamit ng single-use plastics sa mga tindahan, palengke, at mall, gayundin ang pagpapalawak ng modelo ng waste segregation na ipinatutupad sa Barangay Sicsican.

Napagkasunduan din na ang mga barangay ng Sicsican, Irawan, Sta. Monica, at Tiniguiban ang magiging pilot areas sa plastic waste collection program gamit ang tatlong bagong trak na ipinagkaloob sa ilalim ng EU–PH Green Economy Partnership. Ang Eco-Kolek ang mangangasiwa sa koleksiyon ng plastic wastes habang ang City ENRO naman ang magsasagawa ng monitoring sa implementasyon ng programa. Ang Puerto Princesa ay kabilang sa unang sampung local government units sa bansa na napili upang makatanggap ng suporta at pondo mula sa EU–PH Green Economy Partnership. Inendorso ni Mayor Lucilo R. Bayron noong Marso 2025 ang naturang programa bilang bahagi ng mga prayoridad ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng waste management system ng lungsod.

#PuertoPrincesaCity #ProgresibongPuertoPrincesa

Similar Posts