







BalayongFestival2026 || CITY BUILDING OFFICIAL, BACK-TO-BACK CHAMPION NG BALAYONG HEADDRESS COMPETITION
Nagbigay-kulay sa Civic Grand Parade noong Marso 4 ang iba’t ibang obra ng mga lumahok sa Balayong Headdress Competition. Suot ng mga kawani o miyembro ng opisina at barangay, kanilang ipinamalas ang husay ng sining at pagiging creative.
Mula sa mga lumahok, standout ang mga mini-balayong tress in full bloom ng Brgy. Mandaragat na nakuha ang 2nd place sa kompetisyon na napagkalooban ng plaque at premyong ₱20,000.00. Pero namukadkad ang ganda ng tandikan o palawan pheasant peacock inspired na binuo ng mga empleyado ng City Building Official na muling nasungkit ang kampeonato na nag-uwi ng plaque at ₱30,000.00.
Lumahok rin ang Office of the City Assessor na pumangatlo sa laban na mayroon ring plaque at ₱15,000.00 na prize. Bagaman di pinalad ay malakas rin ang suporta na ibinigay rin ng City Mayor’s Office.
Nagsilbing hurado sina: Ms. Mary Frances Mendoza, Ms. Eva Valledor at Mr. Jonathan Benitez na mga tunay na alagad ng sining, kultura at heritage ng Puerto Princesa. Inorganisa ang patimpalak ng City Information Department katuwang ang City Mayor’s Office. Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng 22nd Balayong Festival at 154th Foundation Anniversary. 🦚🌸
