
Kasama sina Councilor Gerry Abad, Jonjie Rodriguez, Erwin Edualino, Luis Marcaida III, Bitoy Oliveros, at Jie Lao, binisita natin ngayong araw, November 15, ang ginagawa na Flood Control sa San Manuel Catchment Area malapit sa Typoco upang magsagawa ng inspeksyon.
Sa tulong ng Office of the City Engineer, sinisigurado nating maayos ang pagkakagawa sa proyektong ito, na isa sa mga tutugon sa pangangailangan ng drainage sa San Manuel.
