PROGRAMA PARA SA PAGTATANIM NG TAMBALANG PATULOY NA IPINAGKAKALOOB NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA.

Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa, sa pamumuno ng ating mahal na Mayor Lucilo R. Bayron, sa pamamagitan ng City Agriculture Office, upang matulungan ang ating mga mangingisda na magkaroon ng karagdagang kabuhayan.

Isa sa mga hakbang ay ang pagpapalawak ng seaweed farming sa mga angkop na lugar sa ating lungsod, katuwang ang BFAR-MIMAROPA. Sa ilalim ng programang Sustainable Income Generating Project Support for Fisherfolk ng City Agriculture Office, patuloy na naipagkakaloob ang suporta para sa seaweed farmers. Kabilang sa mga suportang ipinagkaloob simula pa ng mga nagdaang taon ay mga lubid, fiberglass boat at panimulang pananim.

Tuloy-tuloy din ang pagiikot ng mga Fisheries Extension Workers upang magbigay ng teknikal na gabay sa mga seaweed planters para mapanatili ang mataas na kalidad ng kanilang produkto.

Sa mga seaweed farmers, maraming salamat sa pagpapahalaga sa mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod at patuloy po nating pagtulungan na iangat ang industriya ng seaweeds para sa ekonomiya at kalikasan.

Similar Posts