
Unti-unti nang sinisimulan ang pagbibigay ng Physical Therapy Services sa City Health Medical Complex bilang pag-alalay ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa mga kababayan nating nangangailangan nito.
Mula sa Provincial Department of Health (PDOHO) ang physical therapist na siyang tutulong sa mga pasyente upang mapabilis ang kanilang rehabilitasyon.
PHYSICAL THERAPY SERVICES
Tuwing Martes, Miyerkules at Huwebes (1st & 2nd week of the month)
Ayon kay City Health Officer Dr. Ricardo Panganiban, unti-unting pauunlarin ang Physical Therapy Services ng City Health MedCom upang mas maraming kababayan ang maalalayan sa kanilang paggaling alinsunod sa direktiba ni Mayor Lucilo R. Bayron.
“Yung long-term plan naman natin, kung na-establish na po talaga natin ‘yung ating Physical Therapy Unit, magha-hire na tayo ng sarili nating Physical Therapist tsaka Physical Therapy Assistant… Uunti-untiin din po nating mag-purchase ng equipment,” saad ni Dr. Panganiban.
