
Nag-courtesy call si Department of Health (DOH) Undersecretary Glenn Mathew G. Baggao kay Mayor Lucilo R. Bayron kahapon, Enero 14, 2026, bilang bahagi ng kanyang opisyal na pagbisita sa Lungsod ng Puerto Princesa. Kasama rin sa courtesy call si DOH–Center for Health Development (CHD) Assistant Regional Director Raffy A. Deray, gayundin ang iba pang mga kinatawan mula sa DOH.
Sa maikling pagpupulong, tinalakay ang mga inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod kaugnay ng pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan, partikular ang bagong tayong City Health Medical Complex.
“Ang approach namin sa health, prevention is better than cure,” paliwanang ni Mayor Bayron na lubos namang sinang-ayunan ni DOH Usec. Baggao.
Ibinahagi rin ni Mayor Bayron ang layuning mailapit sa malalayong barangay sa lungsod ang mga serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng satellite clinics at programang ‘Ugnayan sa Barangay.’
“We’d like to bring government closer to the people,” ani ni Mayor Bayron.
Ipinahayag naman ni Usec. Baggao ang buong suporta ng DOH sa patuloy na pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan sa lungsod.
“Kung mayroon kaming maitutulong, whether technical assistance o mga gamit, we will try our very best to be of assistance sa lungsod ng Puerto Princesa.”
