|

ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€ π‚πˆπ“π˜, πŠπˆππˆπ‹π€π‹π€ 𝐍𝐆 𝐍𝐇𝐂𝐏 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 π‹πŽπŠπ€π‹ 𝐍𝐀 πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π

#BalitangTurismo || 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐊𝐈𝐍𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐍𝐇𝐂𝐏 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐊𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍

Ipinamalas ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang malinaw nitong layunin na pangalagaan at itaguyod ang lokal na kasaysayan matapos maaprubahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang pagiging kasapi ng lungsod sa Local Historical Committees Network (LHCN).

Matagumpay na naisakatuparan sa pamamagitan ng City Tourism Office sa pamumuno ni G. Demetrio C. Alvior, Jr., ang aplikasyon para sa ‘accreditation’ na inaprubahan ng NHCP matapos ang masusing pagsusuri. Patunay ang pagkilalang ito na seryoso ang lungsod sa pagsasama ng kasaysayan at kultura bilang mahalagang bahagi ng kaunlaran at turismo ng Puerto Princesa.

Bahagi ang hakbang na ito ng mas malawak na pananaw ng lungsod sa turismo: isang responsableng turismo na may pagpapahalaga sa pinagmulan, pagkakakilanlan, at mga kuwentong humubog sa Puerto Princesa. Paraan para mas maging makahulugan ang turismo, hindi lamang ang mga ipinagmamalaking tanawin, kundi maging ang kasaysayan at kultura ng lungsod. Mabuhay Puerto Princesa!

#MegaApuradongAdministrasyon #PuertoPrincesaCity #MayorLuciloBayron

Similar Posts