CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Isang malaking karangalan para sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa na ihayag ang pagho-host nito ng 2024 International Canoe Federation (ICF) Dragon Boat World Championship, na gaganapin sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4, 2024. Isa itong prestihiyosong paligsahan na dinadaluhan ng mga pinakamagagaling na koponan ng dragon boat sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Ang tema ng paligsahan ngayong taon ay “ Sama-samang pagsasagwan para sa pangklimang aksyon (Paddling Together for Climate Action). Layunin ng tagapamahala ng kompetisyon sampu ng mga kalahok na isulong ang isyung pangkalikasan at ang mahalagang tungkulin ng bawat isa sa proteksiyon sa ating kalikasan.
Ipinahayag ni Mayor Lucilo R. Bayron ang kasiyahan para sa nalalapit na kaganapan. Aniya “lubos naming ikinagagalak na tanggapin ang mga atleta, koponan at tagahanga mula sa iba’t-ibang panig ng mundo . Habang tayo’y sama-samang nagsasagwan ng mga bangka para sa kalikasan, nais naming bigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa iisang layuning mahalaga sa ating lahat- ang pagpoprotekta sa ating kapaligiran.”
Kaugnay nito, inilabas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin ang Proklamasyon Bilang 699 na may titulo “Moving Forward Paddling Week Philippines.” Itinalaga niya na obserbahan ito ng buong Pilipinas tuwing ika-apat na lingo ng Oktubre taon-taon. Isang angkop na pagkakataon ito na sa kaparehong ang mga araw ang pagdaraos ng kompetisyon sa lungsod ng Puerto Princesa.
Bukod sa kapana-panabik na mga karera ng dragon boat, magkakaroon din ng mga gawaing magpapalaganap ng kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan at sa mga inisyatibo hinggil sa pagbabago ng klima. Pangungunahan ito ni Mayor Lucilo R. Bayron kasama ang mga opisyales ng Philippine Canoe and Kayak Federation sa pamumununo ni Coach Len Escalante at ng International Canoe Federation President Mr. Thomas Konietzko. Dadalo din sina Gen. Romeo S. Brawner Jr PA Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Kasama din ang mga manlalarong magsasagwan sa pagsasagawa ng “Mudball Throwing” na bahagi rin sa panimulang programa ng 2024 ICF Dragon Boat World Championship.
Inaasahang magiging makasaysayan ang kaganapan ng 2024 ICF Dragon Boat World Championship, hindi lamang sa pagpapamalas ng kahusayan ng mga dragon boat paddlers bagkus sa pagpapalaganap din ng mensahe sa pangangangalaga ng kalikasan at sa pagpapatuloy ng pagkilos laban sa pagbabago ng klima sa pandaigdigang entablado.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |