CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa Oct. 07 CIO -  “Kailangan nating paigtingin ang implementasyon ng Curfew Ordinance dito sa Lungsod ng Puerto Princesa para higit na mabigyan ng proteksyon ang mga kabataang menor  de edad“.

   

 Ito ang tinuran ni Konsehal Matthew K. Mendoza, Committee Chairman ng Tourism  kaugnay sa kanyang isinumiteng Sanggunian Draft Resolution no. 121-2013  sa ika 13th  Regular Session ng 14th Sangguniang Panlungsod.  Ayon kay Konsehal Mendoza lubhang nakakabahala ang mga ulat na ilan  umano sa mga gulong nangyayari  dito sa lungsod kasama na ang ginagawang drag racing at  aksidente sa kalsada ay pawang kinasangkutan ng mga kabataang menor de edad at nagaganap sa dis  oras ng gabi.

  

  Idinagdag pa ni konsehal Mendoza na dapat lamang na  ipatupad ng buong higpit ang ordinansa bilang 17-92,  “ the Curfew Ordinance for Minors “ nanawagan din siya sa Philippine National Police,  maging sa Tanggapan ng Impormasyon ng  Lungsod na magsagawa ng malawakang pagpapabatid at impormasyon na patuloy pa ring ipinapatupad  dito sa Lungsod ang Curfew Ordinance. Agad namang tumalima si City Information Officer  at dating Konsehal Henry A. Gadiano sa naturang panawagan, kanyang  inatasan ang information staff na higit na paigtingin ang kampanya para sa Curfew Ordinance at ipaalam sa buong lungsod ng Puerto Princesa lalot higit sa kabataang menor de edad na bawal ang lumabas, gumala o mamasyal pa ang minors pagsapit ng pasado alas dose ng madaling araw.

 

Article Type: 
Categories: