CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, June 25 CIO - Isang malaking hamon sa Apuradong Administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron kung paano mapapanatiling malinis sa anumang uri ng basura ang lungsod ng Puerto Princesa.

Kaugnay nito, isinagawa ang turn-over ceremony ng anti-littering signages mula sa Triton Paint Corporation nitong june 24, 2014 sa New City Hall Complex. Tatlong daang piraso ng signages ang ipinagkaloob ng Triton Paint Corp. kay Mayor Lucilo Bayron.  Ito ay ilagay sa mga istratehikong lugar sa siyudad upang magsilbing paalala sa mga mamamayan na nararapat panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ng Puerto Princesa.

Nakapaloob sa signages ang impormasyon sa Anti-littering Ordinance 163-91 tulad ng mga multa ng sinumang lalabag sa nasabing ordinansa. Sa first offense, ang mga mahuhuling nagkakalat ay mayroong multang dalawandaang piso (200).

Sa second offense, kung saan mahuhuling nagkakalat sa ikalawang pagkakataon ay may multang tatlong daang piso (300) at pagkakulong ng hindi hihigit sa isang buwan.

At ang third offense, na mahuhuli sa pangatlong pagkakataon ay magbabayad ng multang isang libong piso (1,000) at pagkakulong ng dalawang buwan.     

Article Type: 
Categories: