CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Opisyal na sinimulan ang selebrasyon ng Nutrition Month sa lungsod nitong Hulyo a-dos sa pamamagitan ng isang programa sa New City Hall Complex
Sa mensahe ni Mayor Lucilo Bayron sa harap ng mga Barangay Nutrition Scholars, empleyado ng Pamahalaang Lungsod, 4P’s beneficiaries, mga miyembro ng City Council at mga barangay kapaitan at opisyales nito, nais ng alkalde na turuan ang mga nanay ng tamang paghahanda ng sapat at masustansiyang pagkain upang mabawasan ang bilang ng malnourish sa lungsod.
Hinikayat ng alkalde ang mga BNS at nasa nutrition services na sikaping maabot ang mga nanay at maibigay ang tamang impormasyon sa pangangalaga sa kalusugan at nutrisyon ng kanilang mga anak at pamilya. Hindi anya katanggap-tanggap na ang Puerto Princesa bilang highly urbanized city ay mayroong mga batang malnourish.
Naniniwala siyang “health is wealth”. Anya “mapera nga, pero malala naman, ubos ang pera kakapagamot at aburido palagi”. “Ang kalusugan ay nagsisimula sa tamang nutrisyon habang bata pa upang maabot ang potensiyal bilang mamayan”.
Nilinaw din ni Mayor Bayron sa mga barangay kapitan na ang programa ng kalusugan ay hindi kumikilala ng politikahan. Huwag sana anyang maapektuhan ang mga BNS ng katatapos na eleksiyon. Sayang ang mga trainings ng BNS kung papalitan ang mga ito. Ipinayo ng alkalde na kausapin na lamang at panatilihin sa trabaho ang mga ito.
Samantala, bahagi ng isang buwang selebrasyon ang pagsasagawa ng feeding sa mga batang mababa ang timbang sa Barangay Montible at Napsan sa pamamagitan ng Navforwest, pamimigay ng seedlings ng gulay sa mga benepisyaryo ng 4P's, pagbibigay ng lecture sa mga barangay kapitan kaugnay sa Asin Law at responsibilidad nila sa pagpapatupad nito sa kanilang barangay, at Detec TB screening sa 150 mag-aaral sa child development center na positibo sa primary complex. Tuloy-tuloy din ang pagsasagawa ng Nutrition School on the Air sa pamamagitan ng PROMO Nutricom.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |