Printer-friendly version

Pormal na pinasimulan nina Mayor Luis Marcaida III, Aileen Cynthia Amurao, City Tourism Head, Dr. Eduardo Janairo, Department of Health Mimaropa Director at Philippine District Coast Guard ang limang araw na Training on Water Search and Rescue For Lifeguards noong ika-24 ng Abril taong 2017.

 

Ang pagsasanay sa mga nagnanais maging lifeguard ay magtatagal ng limang araw mula Abril 24 hanggang Abril 28 na mayroong iba-ibang aktibidad tulad ng pagtatalakay sa basic life support, water safety, rescue and survival techniques, physical development training, underwater swim, breath holding at one mile qualification swim. Apatnapu’t isang lifeguard aspirants mula Nagtabon Beach, Ai World, CDRRMO, Microtel, Iwahig-Firefly at Hillside Resort ang mga partisipante. Layunin nito na magkaroon ng kahandaan ang mga lifeguards sa pagresponde sa mga sakuna sa dagat o pool at siguruhing ligtas ang lahat ng mga resorts, beaches at pools sa buong lungsod.  Ito ay upang lalong hikayatin ang mga turista na tangkilikin ang mga atraksyon sa lungsod.

 

Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga taong ginawang possible ang programa lalo na at ang Puerto Princesa ay maraming beache at resorts na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mamamayan ng lungsod. Nagpaalala naman si Dr. Janairo na tumigil sa mga bisyo tulad ng paninigarilyo at pag inom ng alak ang mga lifeguards dahil ito ay isa magiging sanhi na panghihina ng pangangatawan. Palaging tatandaan ng lifguards na ang tibay at lakas ng katawan ang kanilang puhunan ng pagsasanay at paghahanapbuhay.

 

Sa huling araw ng pagsasanay, Abril 28, mabibigyan ng sertipiko ang mga kalahok na magtatapos at magiging ganap ng lifeguard.

 

Article Type: 
Categories: