Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Mayo 2 (PIA) --- Bilang paghahanda sa taunang Pista Y Ang Kagueban o Feast of the Forest ng pamahalaang panglungsod, ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ay nakapaghanda na sa kasalukuyan ng umaabot sa 100,000 mga pananim na puno.

Ang Pista Y Ang Kagueban ay isang programa ng pamahalaang panglungsod na nagsusulong ng taunang pagtatanim ng mga puno upang mapangalagaan ang mga watershed ng lungsod, na siyang pangunahing nagsusuplay na malinis na inuming tubig sa mga mamamayan gayundin ang mapangalagaan ang kapaligiran.

Ngayong 2012, target ng CENRO na makapagtanim ng may 130,000 mga puno sa may 15 ektaryang lupain sa Sitio Kampo Uno, Bgy. Irawan.

Ang Pista Y Ang Kagueban ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong Sabado sa buwan ng Hunyo taun-taon, sa pangunguna ni City Mayor Edward S. Hagedorn at ng mga opisyales ng lungsod. Nakikiisa rin dito ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan, libu-libong mga mamamayan ng lungsod, gayundin ang mga bisitang dumadayo rito. (OCJ-PIA4B-Palawan)

By Orlan C. Jabagat

 

Article Type: 
Categories: