Printer-friendly version

Puerto Princesa, April 03 CIO - Ikinasa na ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-13ng Pangalipay sa Baybay sa lungsod. Ito ay gaganapin sa ika-24 hanggang ika-29 ng Abril.

Ayon kay Aileen Cynthia Amurao, City Tourism Officer, layunin ng pagdiriwang na bigyang dagdag kasiyahan ang mga resident ng lungsod ng Puerto Princesa, maging ang mga turistang magbabakasyon dito. Ilan sa mga magiging tampok ng aktibidad ay ang kilalang EVO Philippines – Mid Summer Music Festival, Baywalk Bodies, Bangkarera sa Baybay at Little Miss Puerto Princesa. Sa kauna-unahan ding pagkakataon ay gagawin ang LAMBONG Fashion Show, tampok ang mga lokal na disenyo at telang gawa mismo dito sa lungsod. Idagdag pa aniya  ang pa-contest na Baybay Scoop Basura kung saan ang may pinakamaraming makukuha na basura sa karagatan ng baywalk ang siyang mananalo.

Nakatakda ding magpalabas ang pribadong sektor tulad ng AI World,  Travel Agency Operators, Transport Sector, CBST at Sitel Philippines.

Ang aktibidad na ito ay hatid ng Pamahalaang Lunsod ng Puerto Princesa sa pamamagitan ng City Tourism Department at Special Events na pinamumunuan ng Unang Ginang Monette Marcaida. 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu