Printer-friendly version

Magkakaroon muli ng Public Auction Sale Of Delinquent Real Properties ang tanggapan ng Ingat Yaman o City Treasurer’s Office nitong buwan ng Hulyo. Ito ay isang paraan ng gobyernong paalalahanan ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga hindi nakakapagbayad ng buwis ng mga ari-ariang di natitinag o real properties ng matagal nang panahon o lumampas na sa itinakdang palugit ng pamahalaan.

 

Ayon kay Ms. Aida Romasanta,LTOO III ng City Treasurer’s Office, ang mga bidders ay kinakailangan na magparehistro at makapagbayad ng dalawandaang piso (P200.00) para sa registration fee at dapat dumalo sa gagawing pre-bid conference of bidders, na isasagawa sa ika-27 ng Hulyo sa ganap na  alas 5:01 ng hapon sa conference room ng Gusaling Panlungsod. Dagdag pa niya, bago ang public auction ay pinapadalhan ng Statement of Account ang mga kinauukulang may-ari ng mga lupang isusubasta upang malaman ang mga dapat bayaran at palugit ng pagbabayad. Binibigyan pa rin ang mga may-ari ng pagkakataong hindi maisama ang mga ari-arian sa naturang subasta.

 

Naglabas din ng pansamantalang takdang araw ang City Treasurer’s Office sa nakatakdang Public Auction, ito ay ang mga sumusunod:  June 27-30- Preparation/Compilation Of Warranty Of Levy, July 03-Signing Of Warrant Of Levy Of The City Treasurer, July 5-8 - Delivery Of Warrant Of Levy, July 10-14 - Grace Period For The Taxpayers, July 17 - 1st Issue Of National Publication, July 24 ang ikalawa, July 18-21 - Annotation Of Levy kung saan magpaparehistro ng Deeds at dadaan sa City Assesor, sa July 24-27- Bidder’s Registration, July 27-Pre-bid Conference of Bidder na kung saan ang huling araw ng pagbayad at sa July 28 ang Public Auction Sale.

 

Ang pagsasagawa ng Public Auction ay bahagi ng kampanya ng Pamahalaang Lungsod na mahikayat ang mga mamamayang magbayad ng kanilang buwis sa itinakdang panahon at upang makatulong sa pagtaas ng koleksyon at maabot ang quota ng Tanggapan ng Ingat Yaman.

 

Matatandaang nagkaroon na rin ng unang public auction ang City Treasurer’s Office noong Nob. 25, 2016. Ito ang pangalawang public auction sa ilalim ng Super Apuradong Administrasyon na pinamumunuan ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron. 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu