Printer-friendly version

Muling  pinagkalooban ng Department of Finance, Bureau of Local Government Finance-MIMAROPA ng Plaque of Grateful Recognition and Sincere Acknowledgement of Revenue Generation Program ang Puerto Princesa.  Lumampas ng 119% ang koleksyon sa nilalayong halaga ang nalikom ng siyudad. Ang koleksiyon ay mula sa real property taxes, business permits, fees and charges, at economic enterprises.

Iginawad ang plake ni Department of Finance Officer In-Charge Executive Director Nino Raymund B. Alvina at ni Regional Director Aida D. Abregana  noong Mayo 16, 2017 sa isinagawang 1st Regata Conference sa Kamaynilaan.

Kaugnay nito, ibinigay din kay City Treasurer Maria Corazon A. Abayari ang roving trophy ng Real Property Tax Collection Efficiency.  Kauna-unahan itong ibinigay ngayong taon bilang pagpapahalaga sa kahusayan ng isang lokal na pamahalaan sa pagkokolekta ng buwis mula sa mga ari-ariang di natitinag. Puerto Princesa ang unang nagkamit nito dahil lumampas 133% ang koleksyon sa itinakda ng Bureau of Local Government Finance.  Umabot sa P200,918 651.83 ang nalikom na buwis mula sa lupa, gusali at makinarya. 151,034,500 naman ang itakdang kabuuan  ng BLGF na dapat abutin ng lungsod para sa 2016.

Simula noong 2011 na manungkulang bilang ingat-yaman si Gng. Abayari, napanatili ang pagtanggap ng lungsod ng mga ganitong  pagkilala hanggang  2016.  Katuwang  ng Tanggapan ng Ingat-Yaman ang City Assessor, Business Permits & License Division, Economic Projects and Programs offices at iba pang tanggapan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga paraan upang magkaroon ng maganda at maayos na koleksiyon ng buwis ang lungsod.  

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu