Printer-friendly version

Idineklara nang negatibo mula sa paralytic shellfish poisoning o red tide poison ang Puerto Princesa Bay batay sa Shellfish Advisory No. 11 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resouces(BFAR).

Ayon rito, sa loob ng tatlong linggo ay nagsagawa ng shellfish sampling at batay sa lumabas na resulta mula sa naturang monitoring ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Office of the Provincial Agriculturist (OPA) at City Agriculture Office (CAO) ay negatibo na sa red tide ang Puerto Princesa bay.

Kaugnay nito ay maaari at ligtas nang humuli, magbenta, bumili at kumain ng shellfish at alamang mula sa Puerto Princesa Bay na sakop ang baybayin ng Barangay Bancao-Bancao hanggang Barangay Mangingisda. 

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagmomonitor ng BFAR, CAO at OPA sa naturang baybayin upang mabantayan ang kaligtasan ng publiko. 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu