Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 04 CIO - Patuloy ang City Planning and Development Coordinator Office sa pag-iikot sa mga barangay sa Lungsod ng Puerto Princesa na nagsimula noong buwan ng Hunyo, 2015 upang tulungan ang mga opisyales ng barangay sa pag-gawa ng barangay development investment program na importante sa pag-gawa ng barangay annual investment program.

Ang grupo ay pinangungunahan ni Project Development Officer IV Elizabeth Alzaga. Ang pagpunta sa barangay ay ayon sa letter request ng punong barangay. Mahalagang malaman ng barangay officials ang kahalagahan ng vision, strategic direction at major final output sa pamamagitan ng workshop sa ipinagawa sa kanila.

Ayon na din sa kahilingan sa Barangay San Rafael ginanap ang meeting ng mga opisyales ng Barangay Maunlad noong June 9 hanggang 10, 2015. Ang Barangay Manalo, Lucbuan at Maoyon ay nagsagawa ng workshop sa Barangay Manalo mula 22 hanggang 23 ng July, 2015.

Samantala, ang naunang schedule ng Barangay Binduyan na July 30-31, 2015 ay nakatakda sa unang linggo ng Agosto, 2015.(rky)

Article Type: 
Categories: