Printer-friendly version

Nakatakdang dumating sa lungsod ang may tatlongdaan at isang (301) kadete ng Philippine Military Academy (PMA) mula May 7 hanggang 10 2017 sa isang Southern Cruise kung saan pinupuntahan ang mga siyudad sa mga lalawigan ng Pilipinas upang alamin ang kasaysayan nito.

Importanteng malaman ang mga kostumbre at tradisyon ng iba’t-ibang lalawigan upang mas maunawaan ang “way of life” ng mga mamamayan na nakatira dito. Mahalaga itong paghahanda sa destino ng PMA cadets, madali nilang makakasundo ang mga residente dahil napuntahan na nila ang lugar.

Ang darating na mga kadete na kabilang sa Mabalasik Class of 2019 ay pangatlong batch ng PMA Cadets na bumisita na sa siyudad. Pasilip naman sa aktibidad na pinagkakaabalahan ng mga kadete sa loob ng akademya, magsasagawa ng silent drill ang mga kadete.

Ang first batch, ang Salaknib ay nagsagawa ng silent drill sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex noong taong 2014 at ang ikalawa, ang Alab Tala ay nag silent drill sa Puerto Princesa City Baywalk noong 2015.

Kaugnay nito, nananawagan ang PMA Foster Parents association sa pamumuno ni City Agriculturist Melissa Macasaet sa mga interesadong maging foster parents ng mga darating na kadete. Ang sinumang interesado ay maaring mag text o tumawag sa mobile number na, 09468536121 ni Ms. Gloria Taggueg ng City Agriculture.

Importante ang papel ng mga foster parents sa mga kadete dahil sila ang magbibigay ng kalinga at magpaparamdam ng pagmamahal sa mga bisitang kadete habang nasa lungsod. Ang mga foster parents din ang sisiguro na hindi lalabag sa mga panuntunan ng PMA ang mga cadets habang sila ay nasa Puerto Princesa. Sila din ang aalalay at magsisilbing morale booster ng mga cadet at cadette hanggang sila ay maka-graduate sa pinaka prestiyosong military school sa bansa.

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu