Printer-friendly version

Sa patuloy na pagpapa-igting ng kampanya para sa kalinisan at kagandahan ng Lungsod ng Puerto Princesa at pakikiisa sa selebrasyon ng 13th Pangalipay sa Baybay, nagsagawa ang Pamahalaang Panlungsod, sa pangunguna ng programang Oplan Linis, ng paligsahan sa pagkolekta ng basura sa baybayin ng Baywalk noong ika-29 ng Abril.

Ang Baybay Scoop Basura Contest ay isinagawa na ang layunin ay patuloy na mapataas ang antas ng kamulatan ng bawat isa sa pagpapahalaga sa kalinisan ng mga baybayin at karagatan ng lungsod, inaasahang ding magbubukas ito ng mga katulad na palaro sa mga barangay.

Mayroong sampung entry ang lumahok, bawat entry ay may dalawang partisipanteng gamit ang bangkang di-sagwan, di-padyak o non-motorize bangka na kanilang gagamitin sa  pag-kolekta ng basura mula sa baybayin ng Baywalk. Ang may pinakamabigat na makokolektang basura ang siyang magwawagi.

Ang nagwagi sa paligsahan ng pagkolekta ng basura ay mula sa Bgy. Mandaragat na sina Jerome Bantolay at Arnel Asne na kumolekta ng 177 kilo ng basura. Sinundan ito ng 170 kilo ng basurang nakolekta nina Ceferino Naraga at Archie Lanzaderas ng Bgy. San Isidro. At 165 kilo ng basurang nakolekta nina Ronnie Calvario at Diony Lanzaderas ng Bgy. San Isidro. Ang premyo ay 10,000 para sa 1st prize, 5,000 sa 2nd prize, 3,000 sa 3rd prize at ang consolation prize naman ay 1,500.

Hurado sa kompetisyong ito ay sina Oplan Linis Assistant Program Manager Ms. Celia Gloria, Solid Waste Management Program Manager Earl Buenviaje at Bantay Dagat Program Manager Dave Dela Rosa.

Sa loob ng isang oras at kalahating paligsahan mahigit sa isang toneladang basura ang nalinis sa baybayin ng Baywalk na kinolekta ng mga lumahok sa nasabing paligsahan.

Ang Baybay Scoop Basura Contest ay bahagi ng selebrasyon ng 13th Pangalipay sa Baybay na pinangungunahan ni Ginang Monette Marcaida bilang chairperson.

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu