Printer-friendly version

Puerto Princesa, Oct. 4 CIO - Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding(MOU) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, European Union na kinatawan ni EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen, Project I4J (Partnerships for Integrity and Jobs) na ni-representa ni Mr. Peter Koeppinger – Project Manager, at ni Director Luisa Salonga -Agamata, Director for Public Information and Assistance ng Civil Service Commission na kumatawan kay CSC Chairperson Alicia dela Rosa - Bala noong September 26, 2016 sa Atrium ng New City Hall Complex.

Ang MOU Signing ng CSC at ng Project I4J ay kasabay sa pagsisimula ng tatlong araw na ARTA Caravan #KontraRed Tape Integrity, Transparency and Nation Building ng Civil Service Commisssion.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Alkalde ng lungsod na ang kanyang slogan na "Hindi Bukas Kundi Ngayon," ay kabawasan sa bureaucracy at red tape na isinusulong ng Republic Act 9485, o ang Anti Red Tape Act of 2007 at tuwirang nagpapabilis ng transaksiyon ng mga kliyenteng dumudulog sa mga tanggapan ng City Government.

Ang pagpapatupad ng ARTA ay sinuportahan ng Sangguniang Resolution No. 565-2009, na nag apruba ng Citizen's Charter ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

Dito nakasaad ang mga serbisyong laan ng isang opisina, kung sino ang staff na in-charge at kung kelan maaring matapos ang transaksiyon.

Malaking tulong ang pakikipagtulungan ng I4J Integrity Circle, mga ahensiya ng gobyerno at nasa pribadong sektor na naglagay ng I4J Feedbox sa City Hall upang malaman ang mga reklamo at hinaing ng transacting public at kagyat itong mabigyan ng agarang kasagutan at solusyon.

Ayon naman kay Director Agamata, malaking tulong din ang CSC Hotline. Katunayan humigit-kumulang anim na libo tatlong daan limampu't-lima (6,355) na ang natulungan mula ng ilunsad ito noong August 2016.

Sinabi naman ni I4J Project Manager Koeppinger, na kasama ang Puerto Princesa sa 3 Model Cities sa I4J sa Pilipinas. Kabilang ang Cebu sa Visayas at Cagayan de Oro City ng Misamis Oriental sa Mindanao.

Ang I4J Project ay nakatutok sa progreso ng mekanismo, ng interidad at modelo ng epektibo at transparent na mga maliliit na negosyo. Kasama ang registration ng investors at mga paraan sa pagsulong sa piling mga Local Government Units (LGUs) sa bansa.

Ang proyekto na co-funded ng European Union ay ipinatutupad ng consortium na Konrad Adenauer - Stiftung e.V. (KAS) isang German Political Foundation sa pakikipagtulungan ng European Chamber of Commerce of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, League of Cities of the Philippines at Centrist Democracy Political Institute (CDPI).

Article Type: 
Categories: