Printer-friendly version

Magiging panauhing tagapagsalita si Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron sa pagbubukas ng Palawan Rugby Festival sa darating na ika 22-23 ng Hulyo sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

 

Ang Palawan Rugby Festival ay mahahati sa dalawang bahagi: World Rugby level 1 Coaches Course na gagawin sa ika 20 at ang Match Officials Course sa ikalawang araw. Ang ikalawang bahagi ay laro na magsisimula sa araw ng Sabado ika 22 hanggang ika 23 ng buwang kasalukuyan sa Ramon V. Mitra Sports Complex.  

 

Ang rugby ay kilala na sa ating bansa at mahigit na sa isang libo ang partisipante ayon kay Derek Ambridge, local coordinator ng Philippine Rugby Fotball Union (PRFU).  Ang larong ito ay kahalintulad sa larong soccer, kung saan ang field o palaruan ay mayroong 100 metro ang haba at 65 metro ang lapad.

 

Ang Palawan Rugby Festival ay lalahukan ng pitong (7) teams mula sa mga sumusunod:  Metro Manila - Mavericks, Alabang Eagles at Makati Chiefs.  Mula sa Angeles City – Clark Jets; sa Davao City ay ang Durians RFC; sa Cebu ay ang Dragons at ang Cagayan de Oro team. Mayroong 14 na manlalaro ang bawat koponan at 1 team coach.

 

Ang tournament ay magkatuwang na itinataguyod ng Palawan Rugby- the Peacocks, Palawan State University at ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Pinasalamatan naman ni Mayor Bayron ang tiwala sa kanyang administrasyon para sa ikalawang pagkakataon na dito sa lungsod gagaganapin ang nasabing Rugby Festival.  

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu