Printer-friendly version

Puerto Princesa, May 31 CIO - Binigyan ng extension ang humigit kumulang isang daang indibidwal na hindi pa nakakapag-renew ng kanilang taunang “supervision fee” upang maging legal ang kanilang pamamasada sa lansangan ng lungsod. Ito ay sa bisa ng Resolution No. 1568-2016 na iniakda nila Vice Mayor Luis M. Marcaida III, chairman ng City Tricycle Franchising and Regulatory Board o CTFRB at Kagawad Miguel T. Cuaderno IV, chairman ng Committee on Transportation. Inaprubahan sa una at huling pagbasa ang naturang lehislasyon sa regular session na isinagawa noong ika-16 ng buwang kasalukuyan.

 

Ang naturang pagbibigay ng extension ay sa loob ng tatlumpong (30) araw na nagsimula noong ika-16 ng Mayo at magtatapos ng ika-15 ng Hunyo taong kasalukuyan. Base sa ordinansang ipinapatupad ng CTFRB, itinakda ang huling araw ng pagre-renew ng mga prangkisa sa buwan ng Pebrero lamang upang magbigay ng palugit ng lubusang mapagbigyan ang mga may legal na prangkisa.

 

Inaasahan na sa pamamagitan ng isang buwang palugit at mabibigyan ng sapat na panahon ang mga tricycle operators na maiayos ang kanilang bayarin upang mapanatili ang kanilang prangkisa.

 

 

 

Article Type: 
Categories: