Printer-friendly version

       Puerto Princesa, May 15 CIO - Masayang ipinahayag ni Mayor Lucilo R. Bayron sa isang panayam na ang Lungsod ng Puerto Princesa  ay tatanggap ng halagang Tatlong Milyong Peso (P3M) mula sa DILG  bilang insentibo bunsod ng pagkakapili nito na awardee sa taong 2014.

 

        Kaugnay nito, binanggit din ng Punong Lungsod na ang matatanggap na halaga ay gagamitin sa proyektong kabilang sa Annual Investment  Plan ng lungsod na inaasahang magbibigay ng dagdag na kaunlaran para sa lungsod.

 

       Sa pamamagitan ng insentibo na ito, ay lalo pang pag-iibayuhin ng Apuradong Administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron ang pagbibigay ng serbisyo dahil aniya, ang kanyang inspirasyon ay walang iba kundi ang taong-bayan.

 

Article Type: 
Categories: