Printer-friendly version

Humigit kumulang sa P2 milyong piso ang halaga ng nanganganib na buhay ilang ang nasabat ng pinagsanib na pwersa Global Legal Action for Cllimate Change-MIMAROPA-Palawan NGO Network Inc. At PNP Maritime noong araw ng lunes, ika-22 ng buwang kasalukuyan sa Sitio Lasyap, Barangay Maasin, Quezon, Palawan.

Nakumpiska ng mga ito ang 191 talking mynahs (kiao), 105 green naped parrots (pikoy), Palawan flying squirrel, 2 Palawan bear cats, 5 Palawan hornbills at Asian clawless otter. Pinaniniwalaan na ang mga taong nasa likod nito ay mga miyembro ng sindikato ng mga nagpupuslit ng buhay ilang na nag-ooperate sa bahaging Sur ng lalawigan. Ang mga ito ay nakatakdang dalhin sa lungsod ng Batangas at Kamaynilaan.

Umaabot sa halagang P4 hanggang P8 libong piso ang isang talking mynah at parrot sa bentahan sa merkado, ayon sa PNNI.

Ayon kay, Col. Cornelio Salinas, chief ng PNP Maritime sa lalawigan, inabot ng apat na araw ang pag-momonitor at pagmamatyag sa galaw ng mga ito bago isinagawa ang operasyon. Nagmula naman ang “tip” sa ilang concerned na mamamayan ng naturang lugar.
Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mayor Edward S. Hagedorn sa mga miyembro ng GLACC-MIMAROPA, PNNI at PNP Maritime sa pagkakahuli sa mga walang habas na lumalapastangan sa ating kagubatan at buhay ilang.

Personal na dinaluhan ni Mayor Hagedorn ang pagsasalin ng mga nakumpiskang buhay ilang sa Palawan Wildlife Rescue and Rehabilitation Center kung saan ang mga ito ay nakatakdang i-rehabilitate bago pakawalan o ibalik sa kanilang tirahan.

 

Article Type: 
Categories: