Printer-friendly version

Lubos na pagkakaisang inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansang nagbabawal sa mga motoristang gumagamit ng mga blinkers at malalakas ang sinag ng ilaw sa isinagawang ika-40 na Regular na Session ng 15th Sangguniang Panlungsod nitong lunes, ika-17 ng Abril.

 

Ang nasabing ordinansa ay kikilalanin bilang “The Blinker Lights Ordinance 2017” na iniakda ni Hon. Rolando T. Amurao. Napapaloob sa ordinansa ang pagbabawal sa mga blinkers na may kulay pula, asul, at puting ilaw na makita lamang sa mga emergency vehicles tulad ng ambulance, firetrucks, police cars, emergency rescue vehicles at iba pang mga sasakyang awtorisado ng gobyerno. Nakapalob din sa ordinansa ang pagbabawal sa pag-gamit ng light emitting diode o LED.

 

Ang lalabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng karampatang parusang multa ng P150.00 sa unang paglabag, sa ikalawang paglabag at mga susunod pa ay kukumpiskahin na ang mga blinkers o flashing device na nakakabit sa mga sasakyan pati narin ang LED’s.

 

Pangungunahan ang pag-iimplementasyon ng ordinansang ito ng City Traffic Management Office (CTMO) katuwang ang City Philippine National Police at PNP Highway Patrol Group.

 

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu