Printer-friendly version

Puerto Princesa, July 26 CIO - Pangungunahan ng City Nutrition Council(CNC) sa Lungsod ng Puerto Princesa ang nutrition month celebration ngayon Hulyo 2015. Tema ng selebrasyon “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”.

 

Bubuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng motorcade ng kasama ang mga miyembro ng Barangay Nutrition Council(BNC), City Nutrition Council(CNC), empleyado ng City Nutrition at City Health. Iikot ang motorcade sa pangunahing lansangan ng lunsod. Isasagawa din ang launching program kasama ang healthy lifestyle exercise sa Mendoza park. Magsasagawa ng belly good for health exercise sa mga barangay at paaralan upang maipamulat ang kahalagahan ng ehersisyo sa katawan at tamang timbang.

 

Magkakabit din ng streamers na may kaalamang pang-nutrisyon at 10 kumainments.

Mahalagang matutunan at maisabuhay ito nang magabayan ang lahat sa tamang paghahanda, pagpa-plano at pagluto ng pagkain sa araw-araw.  Karamihan ng sakit ngayon ay resulta ng sobra-sobrang pagkain.

 

Kaugnay nito naglabas ng Memo no.16 si Punong Lungsod Lucilo R. Bayron sa lahat ng empleyado ng Pamahalaang Lungsod, president at principal ng paaralan, opisyales ng barangay,CNC, BNC at volunteer health workers  na makiisa sa lahat ng aktibidad na inihanda para sa buong nutrition month. (maya)

Article Type: 
Categories: