Printer-friendly version

Puerto Princesa, May 15 CIO - Maliban sa pinag-uusapang recount issue, gumulantang din ang balitang binalak ilabas sa kustodiya ng Pamahalaang Lungsod ang dalawang sealed boxes na ayon kay Comelec Officer Cielito Marquez na pawang mga basura lamang. Tinangkang ilabas ang mga nasabing boxes sa pagitan ng alas dos at alas tres ng madaling araw noong May 9, 2015 pagkatapos ng canvassing sa Capitol. Ngunit dahil sa mapanuring pagbabantay ni Chief Civil Security Officer Raul Alarcon, ay napigilan ang tangka at pinayuhan na lamang sila na makipag-ugnayan sa City Administrator.

 

Mayo 12 sumulat si City Comelec Officer Atty. Orlando Ba-Alan kay City Administrator Atty. Elena V. Rodriquez na humihiling na ma-release ang nasabing boxes na naglalan diumano ng mga EDCVL at PCVL na nauna ng sinabi ni Ms. Marquez na basura lamang. Kinabukasan ay sumagot si Atty. Rodriquez na maaring makuha ang boxes kapag ito’y mabuksan sa harap ng media at publiko ng alas 10 ng umaga, Mayo 13.  Dumating ang kinatawan ng Comelec na kinilalang si Ms. Bernadette Bayona subalit hindi nabuksan ang boxes at sa halip ay na-reset sa susunod na araw. Sa harap ng kinatawan ng Comelec na sina Bernadette Bayona at Ms. Lalaine Martin-Comelec Officer ng San Vicente, Palawan at ng kinatawan ng Pamahalaang Lungsod na sina Atty. Winston Gonzales at Atty. Gia L. Arriosa ay nabuksan ang boxes sa harap ng media ganap na 10:35 ng umaga.

 

Tumambad ang maraming election paraphernalia, used at unused items, EDCVL at PCVL at ang di-inaasahang pagkakaroon ng 25 envelops ng Election Returns(ER). Hiniling ng City Legal na buksan nag mga ER para sa authentication subalit hindi ito napagbigyan ng Comelec kung kaya’t hindi nai-release ang mga boxes dahil sa stand-off.

 

Inaasahang sa mga susunod na araw ay maglalabas ng report ang City Legal Office hinggil sa kasong ito.

 

 

Article Type: 
Categories: