Printer-friendly version

Tinanghal na Gold Best in Evening Gown si Ms Puerto Princesa 2015 Sandrine Stoelzaed, sa evening gown competition ng Ms Philippines - Earth 2017 noong gabi ng July 1, 2017 sa City Coliseum, Lungsod ng Puerto Princesa.

Si Catherine Tabaniag ng Panglao, Bohol ang Silver Best in Evening Gown at Bronze Best in Evening Gown ang representative ng New Zealand na si Jessica Rose Mc Ewen. 

Ang evening gown ni Ms Philippines-Earth Puerto Princesa 2017 Sandrine Stoelzaed ay disensyo ni Sir Cleo Diomampo, kilalang local designer at events organizer sa lungsod.

Si Ms Philippines Earth - Puerto  Princesa din ang E Estate Choice; El Nido Corner Choice si Ms Panglao at Wolffis Ticketing Office Choice si Ms New Zealand. Pinagkalooban din ng awards ang ilang kandidata tulad ng, William Tan Choice si Ms Quezon City, Danielle Anthea Mayo; Las Cabanas Resort Choice si Madelle Estaya ng Nueva Valencia, Guimaras at Ivy Michelle Trading Choice si Ms Philippines - Earth Pulilan Bulacan, Samantha Viktoria Acosta. Tinanghal namang Derm Care Crystal White Choice at Darling of the Press si Ms Bikini Philippines 2008, Kim de Guzman ng Olongapo City, Zambales.

Apatnapung mga kadalagahan mula sa mga lungsod at lalawigan ng Pilipinas, na hinati sa mga rehiyon ng North Luzon, South Luzon, National Capital Region, Visayas at Mindanao,  kasama ang mga kinatawan ng mga Filipino Communities sa mundo ang isa-isang rumampa suot ang makukulay at bonggang gowns ng mga Filipino designer matapos ang isang nakakaaliw na production number sa pagsisimula ng gabi.

Kabilang naman sa miyembro ng Board of Judges si City Councilor Maria Nancy Socrates na nagbigay ng Welcome Message bilang kinatawan ni Mayor Lucilo R. Bayron.

Samantala, gaganapin ang press presentation ng mga kandidata sa July 5, 2017, pre-judging sa July 9, 2017 sa Diamond Hotel at ang koronasyon sa July 15, 2017 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.

Ang Miss Philippines - Earth 2017 ay hatid ng City Mayor's Office at ng Carousel Production.

Huling ginanap ang Long Gown Competition ng Ms Philippines - Earth sa lungsod noong 2012.

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu