Printer-friendly version

Puerto Princesa, April 03 CIO - Pinaigting pa ngayon ng City Tourism Department ang pagmo-monitor at pag-iinspeksiyon sa mga tourism related establishments sa lungsod ng Puerto Princesa upang matiyak na sa kabila ng lumalagong industriya ng turismo sa lungsod ay pasok pa rin ang mga ito sa pinaiiral na standards at regulations na base sa Tourism Code Ordinance 495 na ipinasa noon 2011.

Ayon kay Aileen Cynthia Amurao, City Tourism Officer, ang hakbang na ito ay upang matiyak na mabibigyan ng mainam na serbisyo ang mga turistang nagtutungo sa lungsod lalo pa’t inaasahan ang pagdagsa ng mga ito ngayong bakasyon. Aniya, asahan na may mga tauhan mula sa City Tourism Department ang mag-iikot at magmomonitor sa mga primyadong destinasyon sa lungsod kagaya ng Puerto Princesa Underground River at Honda Bay.

Kasabay nito, ayon kay Amurao ikinasa na rin ang iba’t ibang trainings para sa mga tourism frontliners. Kabilang sa mga pagsasanay na ito ay ang Tour guiding Technique, Water Safety and Rescue at Community Guide. Nakahanay na din sa pagsasanay ang Foreign Language Interpreter at marami pang iba.

Dagdag ni Amurao na patuloy na makakaasa ang mga turista na ginagawa ng City Tourism Department ang kanilang tungkulin upang tiyakin na magiging masaya at makabuluhan ang kanilang bakasyon dito sa lungsod.

                                                            

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu