Printer-friendly version

Ipinakilala na ang labing-limang opisyal na kandidata ng Miss Puerto Princesa 2017 kanina February 6, 2017 sa flag raising ceremony ng kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa. Sila ay sina Chinecky Arriesgado ng PTCI, YvonneRodriguez  ng PPCI, Mary Christia Melitante ng Bgy. Mandaragat, Francis Recca Pocdol ng Bgy. San Miguel, Nikka Cyra Abes ng Bgy. Tiniguiban, Stephanie Idulog ng WPU, Jeohlee Non ng Bgy. Milagrosa, Lyndellen Bihag ng Bgy. Bancao Bancao, Reyna Michelle Ruhen ng Bgy. San Manuel, Patricia Ellaine Francisco ng HTU, Trisha Janine Caballero ng PPCI, Michaela Saludos ng Bgy. Mandaragat, Mary Abbygaille Jane Tinay ng Bgy. Masikap, Ursais Angel ng Bgy. Tiniguiban, at Nicole Padilla ng STI.

Matapos ipakilala ang mga kandidata sa mga kawani ay sunod naman silang ipanikilala sa mga media personalities sa pamamagitan ng isang press conference na ginanap sa Conference room 1 ng New City Hall Complex. Nagbigay ng mga katanungan ang mga media personalities upang malaman ang mga opinion at kaalaman ng mga napiling kandidata patungkol sa ilang mga kaganapan sa lungsod. Sa huli ay napili si candidate number 13 na si Mary Abbygaille Jane Tinay bilang Darling of the Press.

Samantala, Noong February 1 ay ginanap ang Personality Development Training ng mga kandidata kasami si Dr. Judy Ann Sarail PhD ng Palawan State University.

Ang ilang aktibidad para sa nasabing patimpalak ay ang mga sumusunod:

  • February 18    -Casual wear & Talent Competition
  • February 25    -Swimsuit Competition
  • February 27    -Pre Judging at
  • March 3          -Coronation Night

Ang search for Ms. Puerto Princesa 2017 ay bahagi ng pagdiriwang ng 145th Founding Anniversary ng Puerto Princesa at 13th Balayong Festival.

 

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu