Printer-friendly version

Puerto Princesa, May 19 CIO - Itinuturing na gentleman’s act ang ginawang reconciliatory gesture ni Mayor Lucilo R. Bayron sa kanyang pagdalaw sa 98th Regular Session ng Sanggunian Panlungsod kaninang hapon na ikinagulat ng mga miyembro ng konseho.

 

       Ang kanyang pagdalaw sa konseho ay bunsod ng dalawang bagay.  Una, dahil katatapos lamang ng recall election na kung saan ay muling pinagtibay ng mga mamamayan ang nauna ng mandato ni Mayor Bayron upang maglingkod sa natitirang bahagi ng kanyang termino.  Pangalawa, ito’y bunsod na rin ng pangyayaring alam ni Mayor Bayron na wala sa kanya ang suporta ng mga miyembro ng konseho, kung naging tampulan ng mga pagbabatikos ang lantarang pagsuporta ng halos lahat na mga miyembro ng konseho sa dating Punong Lungsod.  At para mapag-ugnay ang mga damdamin, magkaisa para sa isang layunin, at para maghilom ang mga sugat ng nakaraang tunggalian, minarapat ng Punong Lungsod na iabot ng kanyang kamay sa lahat na mga miyembro ng konseho.

 

      Maigsi subalit malalim at mapagkumbaba ang mga salitang tinuran ng ating punong lungsod at tinaggap naman ng mga miyembro ng konseho.  Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Bayron :  “Napakabilis ng panahon, time really flies very fast…it’s been a year and 11 months since I was elected as the City Mayor.  When we started, we dream of many things for the city and until now many dreams still remain as dreams, and with little time remaining, we still can do a lot… Today I come to you to offer reconciliation alang-alang sa mga mamamayan ng lungsod magkaisa tayo… if politics divided us, then let public service unite us …”

 

       Mainit naman ang palakpakan ng mga tao sa gallery na sumaksi sa event na yon kasama na ang kawani ng lungsod at media.  Nagsalita din ang bawat miyembro ng konseho pagkatapos ng mensahe ng Punong Lungsod at kaagad namang pina-unlakan ng kasagutan ang mga tanong ng miyembro ng konseho.

 

 

 

Article Type: 
Categories: