Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 18 CIO - Matapos ang tatlong buwang masusing pag-aaral ay naisakatuparan na ng  Department of Science and Technology (DOST) ang teknolohiya sa Learning English Application for Pinoys o LEAP at ang LIDAR Data na makabagong teknolohiya sa road mapping sa mundo. Ito ang ipinagkaloob nina DOST-NCR Regional Director Dr. Teresita C. Fortuna at Dr. Rowena Christina Guevarra kay Mayor Lucilo R. Bayron sa ginanap na press conference kahapon at sa mga regional directors sa MIMAROPA Region at South Luzon Cluster. Malaki ang maitutulong nito sa turismo ng Lungsod at Lalawigan ng Palawan.

 

            Ayon kay DOST-NCR Regional Director Dr. Teresita C. Fortuna, patuloy pa rin ang DOST sa pagtuklas ng mga kaalaman na makakatulong sa pagsulong ng teknolohiya sa bansa sa tulong ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan. Sa kasalukuyan ginaganap umano ang tatlong araw na 2015 Science Nation. South Luzon Cluster, Science and Technology Fair and Exhibit na may temang, “Agham na Ramdan: Kaunlaran ang ilaan”. Katuwang dito ang Pamahalaang Lokal ng Lunsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan.

 

            Sa kasalukuyan ay ginaganap ang Science and Technology Fair and Exhibits sa City Coliseum kung saan tinalakay kahapon ang hingil sa ASEAN Integration: Challenges and Opportunities for Industry and Agro-Eco-Tourism and set-up forum habang ngayong araw na ito ay tatalakayin naman ang Harnessing Innovations and connectivity for community competitiveness, Making Research Work: Improving Small holder Poultry and Swine Production at  Renewable Energy Forum on Biogas. Bukas, araw ng Miyerkules ay isasagawa naman ang Technology Pitching at ang Awarding Ceremonies for Science Quiz 2015 RICE and Best Technopreneur in MIMAROPA at closing ceremony.

Article Type: 
Categories: