Printer-friendly version

Dinagsa ng manunuod ang kauna-unahang Lambong Fashion Show sa Lungsod ng Puerto Princesa na inirampa ang kasuotang dinisenyo ng mga local designer bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 13th  Pangalipay sa Baybay nitong ika-25 ng Abril.

 

Ayon kay Monette Marcaida, Chairperson ng 13th Pangalipay sa Baybay, ang Lambong Fashion Show ay hango sa salitang Cuyunon na lambong na ang ibig sabihin ay damit o kasuotan. Nabuo  ang konseptong ito upang ipakita ang talento ng mga local designers, suportahan sila at  tangkilin ang mga disenyong sariling atin.

 

Tampok sa Lambong Fashion Show ang mga kasuotang dinisenyo nina Robert Gonzales, Jeffrey Mystica at Louie Rufano na inirampa ng mga kabataang modelo. Nahati ang mga disenyo sa Fantasy outfits, Creative wear, Filipiniana and suits, Sagala and suits, makikinang na evening gowns and suits, bridal gowns and suits.

 

Suportado ng pamilya ni Mayor Marcaida ang Lambong Fashion Show kasama ang mga anak ay nanuod ang alkalde. Personal siyang nagpasalamat sa mga taong dumalo at sa mga local designer na nagpakita ng angking talento sa paggawa ng mga kasuotan. Sentro sa fashion show ang paglakad sa entablado ng unica-hija ng alkalde suot ang Filipiniana na gawa ng mga local designers.

 

Nakiisa din ang Natasha, Folded & Hung, Crissy Fab Shoppe at Magic Bridal Collection sa fashion show nang inirampa rin sa publiko ang mga damit na kanilang mga produkto. Agaw-tingin naman sa mga manunuod ang paglabas ng mga modelo suot ang mga kasuotang pan-summer na talaga namang patok ngayong tag-init.  Dagdag aliw sa programa ang mga pagtatanghal na inihanda ng City Mayor’s (CMO) Band na naghandog ng mga awitin. Tila nanghaharana ng manunuod si singing icon Eman Ustares sa kanyang pag-awit. Hindi rin nagpaawat sa pagsayaw ang City Mayor’s (CMO) Dancers and Pink Punk. Hiyawan ang manunuod ng magtanghal si Prince Corpus kasama ang CMO Band at naki-jam sa kantahan ang alkalde at humiling na tugtugin ang kantang Upuan ni Gloc9 na talagang malapit sa puso nito.

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu