Printer-friendly version

Kaugnay sa isinagawang diyalogo ng Pamahalaang Lungsod sa pagitan ng mga Muslim leaders, Armed Forces of the Philippines (AFP), Western Command (WesCom) at Philippine National Police (PNP) noong ika-28 ng Abril ay lumagda sina Punong Lungsod Luis Marcaida III, Deputy Commander Dorvin Jose Legaspi ng WESCOM, Chief Police Inspector Arvin Peniones, mga muslim leaders, mga miyembro ng pribadong sector at mga punong barangay sa isang kasunduang pangkapayapaan na isinagawa sa Asturias City State Hotel noong ika-2 ng Mayo taong kasalukuyan.

 

Nakasaad sa Kasunduang Pangkapayapaan ang pakikiisa ng bawat isang dumalo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga programa ng pamunuan at hakbangin ng kasundaluhan at kapulisan upang maipagpatuloy ang kaayusan at katahimikan  sa lungsod anuman ang relihiyon at katayuan sa buhay. Simbolo din ito ng pakikiisa ng mga mamamayan sa mga programa ng pamahalaan upang hindi mabahiran ng terorismo ang lungsod.

 

Samantala, kinompirma ni Jeffrey Dacquelania, Public Safety and Order Officer na mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Bantay-Dagat at Bantay-Gubat sa mga posibleng maging daanang makapasok ang sinumang may hangaring masama sa lungsod. Liban ditto mayroong programang inihanda ang pamunuan sa security awareness ng mga barangay. Nilinaw naman ni Deputy Commander Dorvin Jose Legazpi ng WESCOM na mayroong sistema ang Hukbong Sandatahan na magpa-patotoo sa lahat ng mga impormasyon tungkol sa terorismo at hindi basta-basta ang prosesong ginagawa upang siguruhin ang mga ito.

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Marcaida sa mga dumalo sa talakayan upang ipakita ang suporta at pagtanggap sa mga programa ng pamahalaan. Binigyang-diin nito na walang nag-iisang Diyos na binabanggit sa kasunduan at nirerespeto nito ang sinumang kinikilalang Diyos ng bawat isa.

 

Bago natapos ang paglalagda ay humarap at sinagot ng alkalde kasama sina City Councilor Jimmy Carbonel, DILG City Director Rey Maranas, Police Chief Inspector Arvin Peniones at Deputy Commander Dorvin Jose Legazpi ng WESCOM ang katanungan mula sa pribadong sector, religious leaders at mga muslim leader ukol sa usaping pang-kapayapaan sa lugar.

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu