Printer-friendly version

Puerto Princesa, April 12 CIO - Isang buwang libreng pagsasanay sa mga palarong pampalakasan (summer sports clinic) tulad ng basketball, athletics, badminton, sepaktakraw, football, swimming, volleyball, wushu, taekwondo, futsal, chess, arnis at gymnastics at iba pa ang gaganapin mula Abril 17 hanggang Mayo 17 sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex sa pagtataguyod ng City Sports Office.

 

Bukas ang summer sports clinic sa lahat ng residente ng lungsod na interesadong sumailalim sa

pagsasanay. Magkakaroon ng pagbubukas ng programa sa City Coliseum ganap na alas siyete ng umaga sa lunes, Abril 17 para sa sports clinic.

Sa mga interesadong lumahok kayo po ay malugod na inaanyayahang magpatala sa tanggapan ng City Sports na matatagpuan sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.

Ang free Summer Sports Clinic ay handog ni Mayor Luis M. Marcaida III at ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

 

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu