Printer-friendly version

Ang resulta nito ay magiging bahagi ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng Puerto Princesa Puerto Princesa, May 20 CIO - Bunsod ng Executive Order no 38, na nilagdaan ni Mayor Lucilo R. Bayron noong September 10, 2014, sinimulan ang pagpaplano sa pagbuo ng technical working group na gagawa ng Forest Land Use Plan ng Puerto Princesa City.

Nakasaad dito na ang Department of Environment and Natural Resources(DENR) at ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ay nararapat magsagawa ng pagpaplano sa paggamit ng kagubatan (forest land use planning).

Ang lungsod ay kinikilala ang kahalagahan ng pangangalaga ng kagubatan lalo na iyong mga lugar na nasa open access at hindi nasasakop ng anumang tenure, government proclamations o reservations. Ganundin ang mga forestlands na sakop ng tenure, government proclamations ngunit walang epektibong on-site management na maidadagdag sa pangkabuuhang pang-matagalang kaunlaran (sustainable development) ng syudad.

Samantala, isang memorandum of agreement (MOA) ang isinagawa sa pagitan ng DENR at ng City Government sa preparasyon ng FLUP mula sa data collection, validation ng situational analysis, strategy formulation, adoption at approval.

Ayon sa MOA, ang Pamahalaang Lungsod ay responsable sa pagbuo ng grupo na mag-aasikaso sa pagpaplano at preparasyon ng FLUP.

Ang grupo ang sisiguro sa pagsasakatuparan ng FLUP ng City Government of Princesa.

Ang technical working group ay pangungunahan ng City Planning and Development Coordinator,  City Environment and Natural Resources at ng DENR-CENRO (Community Environment and Natural Resources Office) bilang vice chairman.

Kasama nila ang City Agriculture Office, City Tourism Office, City Assessor Office, City Engineering Department at iba pang mga ahensiyang pang-pamahalaan at non-government organizations (ngos). 

Article Type: 
Categories: