Printer-friendly version

306 persons with disability (PWD) ang pinagkalooban ng discount ID cards bahagi ng selebrasyon ng ika- 31st National Disability Prevention and Rehabilitation Week mula 17-24 ng hulyo sa lungsod. Tema ng selebrasyon ay “Tungo sa katuparan ng karapatan ng Persons with Disability”.

20 porsiyentong diskwento sa pangunahing bilihin, serbisyo tulad ng medical at dental, kain sa restaurant at pamasahe. Ang diskwento ay nakasaad sa R.A. 9442, bilang pagsunod sa Magna Carta para sa mga may kapansanan. Ito ay nahigpit na iniuutos upang ipatupad para pakinabangan ng pwd’s.

Una pa lamang ito sa serye ng pamimigay ng discount ID cards para sa mga rehistradong may kapansanan sa lungsod.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng City Social Welfare and Development ang mga may kapansanang hindi pa nakakapagpa-rehistro na magtungo sa kanilang tanggapan upang mapakinabangan ng marami ang batas na nasabi.

 

Article Type: