Printer-friendly version

Mainit ang naging labanan ng siyam na grupong nakilahok sa Dance Battle 2017 ng 13th Pangalipay sa Baybay na ginanap nitong Abril 24 sa City Baywalk. Siyam na grupo ang lumahok na binubuo ng sampu hanggang labing-limang miyembro. Ang mga grupo ay dumaan sa elimination round na ginanap noong April 18, 2017 sa NCCC Mall Palawan.

Umpisa pa lamang ng programa ay naging mainit na ang entablado sa pamamagitan ng production number ng mga kalahok kasama ang Puerto Princesa Banwa Dance & Arts na silang coordinator ng Dance Battle 2017. Sa huli ay naiuwi ng grupong Palawan Beat Crew Rice(PBC)  ang kampeonato sa Dance Battle 2017. Sila ay tumanggap ng 10,000 pesos na premyo. Ang grupong PBC Rice ay binubuo ng dalawang grupo, ang Palawenian Beat Crew at ang Poprice Crew. Ika nga ng PBC Rice “We share love, dreams, & passion in dancing that makes us united, as one”. Ang grupo ay nagpamalas ng kanilang galing sa pagsayaw sa temang “Summer init”.

Pumangalawa naman ang grupong Hoodlums na nag-uwi ng premyong 7,000 pesos. Ikatlong puwesto naman ang Danzaholic Fam na may premyong 5,000 pesos. Ang iba pang lumahok sa kompetisyon ay ang mga grupong Wonderpetz,  WID Crew, Supreme Style, Ocop Crew, Poprice, at G hood.

Naging hurado sa kompetisyon sina G. Cherry Anne Señorin Nambong, G. Karla Borja, at Ginoong Darwin Kuhutan. Madami ang nanuod sa kompetisyon. Energetic ang cheer ng mga supporters ng bawat grupo.

            Ang 13th Pangalipay sa Baybay ay hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni Mayor Luis Marcaida III, Vice Mayor Nancy Socrates at ng Sangguniang Panlungsod. Chairman ng 13th Pangalipay sa Baybay si G. Monina Marcaida at ang nasabing selebrasyon ay pinapatakbo ng City Tourism Department ni G. Aileen Cynthia Amurao.

Article Type: 
Categories: