Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 18 CIO - Umaabot sa dalawang daan at walumput-apat na mga empleyado ng Pamahalaang Panlungsod ang nakapag-avail ng serbisyo ng COMELEC Mobile Team. Ang hakbang na ito ay dulot ng isang liham mula sa samahan ng mga empeyado ng Lungsod na humiling sa pagtatakda ng isang araw na rehistrasyon para sa mga empleyadong walang panahong pumila sa tangapan ng COMELEC.  

 

Dahil dito, positibo ang naging resulta ng COMELEC MOBILE Team  kung saan ay nakapag-rehistro ito ng may kabuuang 284 sa City Hall. Nagpahayag naman ng opinyon ang iba pang empleyado ng pamahalaan na sana ay dagdagan pa ang araw na ilalagi ng mga ito sa New City Hall Building.

 

Ang bio-metrics na ito ay napakahalaga, sapagkat kung hindi po kayo nakapag bio-metrics, hinding – hindi po kayo makakaboto base sa itinatadhana ng probisyon ng batas mula sa Republic Act No. 10367. Ang rehistrasyon ay nagsimula na noon pang May 6, 2015 at magtatapos sa October 31, 2015.

 

Kabilang pa sa mga area na iikutin ng COMELEC Mobile Team ngayong buwan ng Agosto ay ang mga sumusunod:

 

  1. Sta Lourdes ----------- 24-25 August 2015
  2. Tagabinet ------------- 26  August 2015
  3. Salvacion -------------- 27 August 2015
  4. Concepcion ----------- 28 Agosto 2015
  5. Mangingisda ---------- 30-31 August 2015
  6. Langogan -------------- 1 September 2015
  7. Binduyan -------------- 2 September 2015
  8. Maoyon --------------- 5 September 2015
  9. Kamuning ------------- 7 September 2015
  10. Inagawan -------------  8 September 2015
  11. Palawan State University, Tiniguiban -------9 September 2015
  12. Bgy. Princesa ----------10 September 2015
  13. Sta. Monica ------------11-12 September 2015
  14. San Jose ----------------14-15 September 2015
  15. Irawan ------------------19 September 2015
  16. City Jail, Sta. Monica -------------------------- 21 September 2015
  17. Provincial Jail, Bgy. Banca-Bancao -----------22 September 2015
  18. Bancao-Bancao -------------------------------- 25-26 September 2015

 

Ang nasabing schedule ng COMELEC Mobile Team ay ayon sa direktibang ipinalabas ng Comission on Elections upang mapagsilbihan ang mga botanteng nasa malalayong lugar na walang kakanyahang pumunta sa tangagapan ng COMELEC.

 

Article Type: 
Categories: