Printer-friendly version

Ginanap sa lungsod ng Puerto Princesa ang isang araw na Convergence of Luzon ICT Champions Conference na tinawag ding Click Con nitong ika-16 ng Hunyo sa Asturias Hotel.

Tinalakay sa ICT Conference ang kasalukuyang kalagayan ng ICT industry sa Pilipinas, sa pamamagitan nina USEC. Monchito Ibrahim ng Department of ICT, Stephanie Caragos, Presidente ng National ICT Confederation of the Philippines at iba pang speakers.

Sa kasalukuyan, dalawang sector ng industriya ang nangungunang nagbibigay ng malaking kontribusyon sa kaban ng bayan, ang mga OFW at ICT industry. Napapaloob dito ang IT-BPM o call centers at mga negosyong may kaugnayan sa information technology. Ayon kay USEC Ibrahim, napakalaki ng ICT industry, malawak ang posibilidad at potensiyal sa pag-asenso sa industriyang ito.

Nais ng Dept. of ICT na mabuksan ang potensiyal ng ICT industry sa mga siyudad at probinsiyang nasa labas ng Luzon. Magdadala ito ng trabaho at kabuhayan.

Samantala, patuloy ding inilalapit ang ICT development at mas up-dated na ICT industry sa mga local government unit. Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU na pangunahan ang pag-adopt ng IT programs na naayon sa kanilang serbisyo. Sa pamamagitan nito ay mas mabilis ang pagtugon at serbisyo ng lokal na pamahalaan sa pangunahing pangangailangan ng mamayan at kliyente nito.

Kaugnay nito ay inilunsad ang NICP-DILG EGOV Awards, ito ay pagkilala sa ICT best practices ng bawat lgu’s. Sa kasalukuyan ay hawak ng La Union, Legaspi at Marikina ang hall of fame bilang EGOV awardees sa buong Luzon.

Navigation Menu