Printer-friendly version

“Pangalagaan at pagyamanin ang proyektong ito upang makatulong na umangat ang antas ng inyong kabuhayan dito”, ito ang buod ng mensahe ni City Tourism Officer Aileen Cynthia M. Amurao sa mga opisyales ng Community-Based Sustainable Tourism (CBST) projects sa  isinagawang pagpapasinaya ng mga City Tourism Extension Office at tourist destinations sa Barangay Langogan, Binduyan, Concepcion, Tanabag, San Rafael, Babuyan at Maoyon noon ika-26 ng Mayo.

 

Ang CBST projects ang estratehiya ng pamahalaang lokal para sa promosyon at marketing ng tourist destinations, lokal na produkto, kultura ng lungsod at barangay. Ang CBST projects ay isang “business enterprise” na pinamamahalaan ng lokal na komunidad. Sa ilalim ng CBST Projects naisasakatuparan ang pagtatayo ng tourism extension offices, information centers at pagdiskobre ng bagong tourist destinations sa norte ng Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Sa pagpapasinaya ng Langogan Tourist Information Center ay isinabay na rin ang oath taking ng Langogan Angat Turismo Association (LATA) CBST Officers. Ipinakita din dito ang mga produktong coffee bar, casoy products at agri fisheries. Isinagawa din ang pagpapasinaya at pagpapasimula ng ilan pang proyekto sa norte tulad ng   Binduyan Tourism Information Center, 1m Road Opening Development Project, 4.3m Olanguan Water Falls picnic facilities at Nature Trail. Sa programa sumayaw ng Saad o war dance, Langko o post harvest time celebration at Tarek o healing dance, isang tradisyonal na sayaw ng Batak.

 

Sa Bgy. Tanabag, ipinakita ang hanging bridge at pinasinayaan ang Tanabag Tourist Information Center. Sa Bgy. San Rafael pinasinayan din ang City Tourism Department Extension Office Northeast Tourism Circuit at nanumpa sa tungkulin ang Taraw Cave Association CBST Officers at sa Brgy. Babuyan, ipinakikilala ang Babuyan Twin Sandbars. Pinagkalooban din ang barangay ng livelihood package at mga lifesaver kit. Sa Bgy. Maoyon ay ipinakilala ang rivercruise at rafting. Nagsagawa rin ng oath taking ang mga opisyales ng CBST at ipinagkaloob din ang livelihood package na mga gamit pangisda at gardening.

 

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu