Printer-friendly version

Puerto Princesa, April 03 CIO - Pinalalawak pa ng City Tourism Department ang serbisyo na maari nitong maipagkaloob sa mga turista na bumibisita dito sa lungsod. Ito ay matapos na magpatayo ang tanggapan ng isang extension office sa Bgy San Rafael.

Ayon kay Aileen Cynthia Amurao, City Tourism Officer ng lungsod, nakatakdang pasinayaan ang naturang opisina sa darating na a-11 ng Abril. Aniya, layunin nito na maging mas mabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga destinasyong nasasakupan ng Northeast Cluster.

Dagdag pa ni Amurao, ang extension office sa San Rafael ay magsisilbi ding tourist information center para sa mga turistang bumibisita sa sakop na destinasyon ng naturang cluster.

Matatandaang nauna dito may isa ng extension office ang City Tourism Department sa airport. Nagtalaga din ang tanggapan ng mga empleyado sa mga primyadong destinasyon ng lungsod kagaya ng Honda Bay at Puerto Princesa Underground River.

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu