Printer-friendly version

Muling napatunayan ng mga plus-size women na chubby is the new sexy sa gabi ng koronasyon ng Binibining Sexsi 2018 noong March 2, 2018 sa City Coliseum.

Sa ikalawang taon ng Binibining Sexsi, muling nilalayon ng patimpalak na mabigyan ng pagkakataon ang mga dalagang chubby na maipakita ang kanilang talento at talino. Mapatunayang higit sa timbang ay mayroong taglay na galing at kakayahan na madalas ay hindi nakikita dahilan may binibigyang pansin ang timbang. Isang paraan ito maalis ang diskriminasyon sa mga plus size na kababaehan.

Itinanghal na Binibining Sexsi 2018 si Mary Vhalerie Guzman ng Barangay Model mula sa 10 nagagandahang plus size beauties na rumampa. Ipinaliwanag ni Ms. Guzman na walang hihigit pa sa isang babae na masaya at confident sa kanyang sarili bilang tao. Ang pagiging mataba ay maaring nasa genes ng isang tao. Ang mahalaga ay maipakita nila kung ano ang kayang gawin na may tiwala sa sarili.

Samantala, 1st runner up at Best in Long Gown si Airielyn Gabayan ng Barangay Milagrosa at 2nd runner up si Jovelyn Gallego ng Sta. Monica. Special awardees sina Karen Gabuco – Ms. Congeniality at Best in Talent, Hyacinth Ajili – Ms. Photogenic at Best in Swimsuit at Myline Cabitac bilang Darling of the Crowd. Sina Dayanara Gildo, Sweet Galy Amurao, Roda Navarro at Joan Braganza ang kandidatang bumubuo ng sampung official candidates.

Si Diana Laura Lei de Leon ang kauna-unahang Binibining Sexsi 2017.

Ang Binibining Sexsi ay handog ng Super Apuradong Administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron at bahagi ng 146th Founding Anniversary ng Lungosd ng Puerto Princesa at ng 14th Balayong Festival.

Article Type: 
Categories: