Printer-friendly version

Sasailalim sa dalawang araw na orientation at capability building ang 66 na Barangay Council bfor the Protection of Children(BCPC) sa lungsod sa pagtataguyod ng City Social Welfare and Development(CSWD) nitong marso 7 – 14.

 

Ayon kay Remy Beltran ng CSWD, sa loob ng dalawang araw ang bawat cluster ng mga barangay sa lungsod ay bibigyan ng up-date sa mga bagong panuntunan sa pagpapatupad ng  BCPC program. Nais ng CSWD na mas maging aktibo at functional ang BCPC bilang frontliner sa usapin pagbibigay ng proteksiyon sa mga kabataan laban sa pang-aabuso. Bumuo ng pamamaraan upang mamagitan sa inire-reklamo at nagrereklamo at mabigyan ito ng solusyon ng hindi na umabot pa sa korte.

 

Nasa batas na ang bawat barangay ay dapat na bumuo ng BCPC. Binubuo ito ng barangay kapitan, ngo, people’s organization, barangay kagawad, principal, pari, barangay tanod o pulis at bcpc worker. Sa BCPC unang idinudulog ang mga reklamo laban sa mga bata sa barangay. Ang mga kasong may kaparusahang 6 na taon pababa tulad ng paglabag sa curfew, pamamalimos, pagkakalat, pick-pocketing, shoplifting, pagnanakaw ay sinusolusyonan sa barangay sa pamamagitan ng intervention at mediation. Ito ay upang maiwasan magkaroon ng bahid ng kaso ang mga kabataan dahil naniniwala ang CSWD na mas mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang kabataang magbago. Ang mga kasong higit 6 na taon ang parusa ang idudulog sa CSWD. Sa mga kaso ng child abuse, makakatuwang ng CSWD ang BCPC sa pagharap dito.

 

Sa pamamagitan ng capability building sa BCPC ay inaasahang mas maigting na mapapangalagaan ang karapatan at kinabukasan ng mga kabataan.  

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu