Printer-friendly version

Pormal ng pinasinayaan kamakailan ang paaralang gawa sa kawayana sa loob ng So. Bucana, Iwahig Resettlement Project. Ang school building na kinikilala bilang Matahimik- Bucana Elementary School ay mayroong dalawang silid-aralang ginagamit ng mga mag-aaaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.

Ang Bamboo Type Duplex classroom ay may sukat na 9x10 ang bawat isa at nagkakahalaga lamang ng P390,000.00. Kumpara sa konkretong silid aralan na nagkakahalaga ng 1.3 Million at semi concrete na P750,000.00 ay malaki ang natipid ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapagawa nito. Sinisiguro naman ni Engr. Eduardo Driz na matibay ang silid aralang gawa sa kawayan. Mapapakinabangan ito ng matagal dahil gulang na ang ginamit na materyales. Mayroon itong sariling banyo at may hiwalay na day-care center para naman sa mga pre-schoolers. May sariling linya ng tubig at ang ilaw ay isusunod na.

Pormal na din itong nai-turn- over sa City Dep-Ed para sa pagpapatakbo nito. Tumanggap naman ng school bags ang bawat mag-aaaral ditto mula sa Unang Ginang ng Lungsod Ellen M. Hagedorn.

 

Article Type: 
Categories: