Printer-friendly version

Hinikayat ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron ang mga kawani ng gobyerno na makiisa sa gaganaping Balayong Tree Planting Festival sa Balayong Park sa darating na Hulyo 29, alas-sais ng umaga.

 

Tinatayang 1,200 balayong seedlings na may taas na limang talampakan ang itatanim. Dahil sa limitadong bilang ng mga seedlings at taas nito ay dalawa hanggang limang katao ang magtatanim sa bawat puno. Isa sa mga ito ay dapat lalake.

 

Ang planting activity na ito ay upang lalong maging kaaya-aya at madagdagan ang importanteng  tourist destination at pasyalan ang mga turista at mamamayan ng lungsod kapag tuluyan nang lumago at mamulaklak ang mga puno ng balayong na itanim. Inatasan din ni Mayor Bayron ang City Planning Office upang hati-hatiin ang area ng Balayong Park at mabigyan ang bawat permanenteng opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ng kanyang parte sa parke at punong alalagaan at palalakihin.

 

“Inaasahan ko na makikiisa kayo. Be a part of history. This is a history in the making. Darating ang panahon na kikilalanin ang Balayong Park ng Lungsod ng Puerto Princesa hindi lamang dito sa atin kundi sa ibang parte ng Pilipinas at ng mundo” ani Mayor Bayron.   

 

Kaugnay nito, ang tree planting activity ay bukas para sa lahat ng nais magtanim ng Balayong tree. Dumulog lamang sa Tanggapan ng Impormasyon (City Information Office) para sa maagang pagpapatala at mabigyan ng numerong katumbas ng puno at bahaging pagtatamnan.

 

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu