Printer-friendly version

Puerto Princesa, Oct. 3 CIO - Ginanap ang awarding ceremony at Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa at ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong September 13 kaugnay ng lupang donasyon ng City Government sa DOLE. Kinatawan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang Pamahalaang Lungsod at si Secretary Silvestre Bello III ng DOLE ang kinatawan ng Pamahalaang Nasyunal ng Pilipinas.

Sa kanyang mensahe, pasasalamat ang ipinarating ni Secretary Bello sa alkalde at sa mga mamamayan ng Puerto Princesa sa ipinagkaloob na lupain na may sukat na 1,165 metro kwadrado sa Government Center sa Rafols Road.  Ani Secretary Bello III, malaking tulong ang nasabing lupain na pagtatayuan ng gusali ng DOLE sa lungsod at lalawigan. Mahalagang magkaroon ng sariling building ang DOLE sa lungsod upang mas maraming mamamayan ang matulungan hindi lang sa local employment kungdi maging sa mga mangagawa sa labas ng bansa.

“Mahalin ninyo ang mga migrant workers,” pahayag ni Secretary Bello III, sa mga kasamahan sa DOLE, sa mga Regional Director ng Department of Trade and Industry (DTI), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at sa mga nakiisa sa awarding ceremony. Malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang padalang dolyar ng migrants workers. Ani Secretary Bello III, humigit-kumulang isang trilyong piso ang ambag ng mga Filipino migrant workers sa ekonomiya ng Pilipinas taon-taon.

Samantala, dumalo sa awarding ceremony si Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Director James Fadrilan, Second District Congressman Frederick Abueg at si Bise-Alkalde Luis Marcaida III at mga kasama sa Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa.

Matapos ang  awarding ceremony at MOA signing, ginanap naman ang groundbreaking ceremony sa nasabing lupain na pagtatayuan ng building ng DOLE.

Ang awarding ceremony ay magkatuwang na binalikat ng City Mayor’s Office, City Information Department at ng City Public Employment Service Office (PESO). 

Article Type: 
Categories: