Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 04 CIO - Muling magsasagawa ng taunang Alay Lakad para sa kapakanan  ng out of school youth(osy) dito sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan. Ang maramihang paglalakad ay itinakdang ganapin sa September 4, 2016.

 

Ayon kay Rev. Leonida Andrade Salva, President ng Alay Lakad Foundation Inc. Puerto Princesa City Chapter ang taunang programa sa Walk For A Cause ay gaganapin sa city coliseum na dadaluhan ng mga partisipante mula sa tatlong grupong lalakad mula sa tatlong starting area.

 

Pangungunahan ng Federation of Filipino– Chinese Chamber of Commerce and Industry bilang Over all Coordinator ang preparasyon ng Alay Lakad ngayong taon. Samantala, napagkasunduan sa unang pagpupulong sa preparasyon ng walk for a cause na baguhin ang kulay ng bawat grupo. Violet o lilak, blue at orange ang siyang susuoting kulay ng mga partisipante. Ang organizing committees ng walk for a cause ay pangungunahan ng Western Command, Public Relations and Promotions ang City Information Office at Provincial Information Office, Invitation Committee ang PIA, PIO at APAMAI.

 

Iniulat ng Alay Lakad Foundation Incorporated na umabot sa 89,895.98 ang net income na nalikom ng Alay Lakad 2015 mula sa 119 thousand total collections nito. Ang naturang net income ang siyang pinangtustos sa scholarship ng ilang piling kabataan ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Article Type: 
Categories: